Monday, January 28, 2008

Half-full

(in the tune of I will Survive)

First I was afraid
I was petrified
When I saw falling hair in my hand,
and by my side
But I spent so many nights
thinking how I should go on
I grew strong
I learned how to carry on
and so I’m back from outer space
I just walked in even if black spots
are in my hand, my feet and my face


I will survive
as long as i know how to love
I know I will stay alive
I've got all my life to live
I've got all my love to give
and I'll survive
I will survive...


Sensya na, yan lang ang nakayanan ng powers ko na palitan sa kanta…hehehe…basta yan ang una kong naisip kantahin nung nakita ko na naghuhulugan na yung pretty hair ko…buti na lang naparebond ako kundi isa akong bruha on the loose…

Speaking of rebond, thank you sa aking suking parlorista hehehe (hindi ko na babanggitin kung saan at baka mabasa nina ma’am at sir) …regular ako pa-ahit ng eye brows (syempre hindi ako marunong at since 40 petot lang sila na mag ayos ng super kapal kong kilay) ewan ba nung nagsabog ang Lord ng buhok, ako lang ata ang gising hehehe….pinilit nila ako ipaayos ko na daw ang buhok kong ayaw magpapigil sa pag alagwa kahit sandamakmak na pony ang gamitin ko, partida nagparebond na ako nyan nung January 2007…eh since tamad talaga ako hindi ko inaalagaan yan, ayun balik s adating monster hair :) … eh since wala ako budget for that (problematic nga ako sa ipanggagamot ko ano?!) eh naikwento ko ang dahilan kumbakit…ayun naawa siguro sa akin…sinabihan ako na punta ako certain date na wala sina ma’am at sir…sila na bahala sa akin…yun lang daw ang maitutulong nila since hindi naman malaki ang sahod nila…kumbaga labor of love… at least daw maganda ang hair ko kahit na walang liguan habang nasa hospital ako hahaha :) bahala na daw yung mga ibang clients na kayang magbayad..hahaha..guilty ako pero sympre Go ako :) hindi lang naming anticipate na mag huhulugan sya!

Buti na lang talaga kundi naku! Ewan ko kung paano ako magsurvive ng hindi nagsusuklay...ayoko ng suklayin kasi dami dami natatangal..pinapatuyo ko na lang electric fan kapag me time...kapag wala sa fx na lang tutal trapik naman hahaha....

Pumapasok na kasi ulit ako ng opis...Next session ko kasi sa feb 1, 6th session ko na! Yehey! Nakahalf na ako… so due for evaluation ako after this session. Supposed to be eh ngayon Jan 28 ang session ko eh wala pa si dra tsaka sakto medyo kulang budget hehehe…baka kapusin based sa last sessions…

Masyadong magastos yung last 3 sessions ko, pansin ninyo? Ewan ba naman kasi wala daw murang rooms fully booked daw…grabe pati hospital fully booked kapag magpasko...akala ko hotels lang..ayun napunta kami sa mas mahal na room…tapos ayaw pa ng hospital na magdala ng own kumot at unan, ayun additional bayad eh ang lamig sa room at kawawa naman bantay ko kung walang magamit :( tapos dami kong medications at paulit ulit na lab tests…(remember nung nagka infection ako) bukod sa chemo drugs dami ko ding take na medications supplements… Needed yun for me to go on sa chemo tapos malabanan din mga side effects…kasi di ba sabi kahit na pinapatay ng chemo mga cancer cells at same time napapatay din mga healthy ones…So far okay naman nakakarecover ang katawan ko…

Eto yung mga supplements na tinetake ko, in case merong makabasa na same ang situation…hope this helps :

Goji Juice – have you heard of this one? Its from goji berries daw na patterned sa recipes at practices ng Himalayan people. Masarap sya compare sa Lactovitalle. Feeling ko nung simula nagtake ako nito gumana ako kumain. One of the side effects kasi ng chemo ko parang papel ang lasa ng lahat ng food sa akin. Pero nung uminom ako nito nakakain ako ng maayos which is good dahil kailangan kong kumain ng kumain. 52 Kgs na lang ako as of last timbang ko nung jan 25. tapos parang ang lakas ko unlike nung 1st session ko lantang gulay ako…di ba nga nung dec 24 super girl ako mega luto at after nun mega lakwatsa hahaha…(lakwatsera ba?!) Iniinom ko ito (mga 1 oz) 30 minutes before meal para effective absorption.

CMD - Concentrated Minerals. Hinahalo ko sa mga iniinom ko…

Glutathione – This is an anti-oxidant. Nagmanifest yung chemo drugs sa mga kamay ko, paa at face. Kaya pala napansin ko halos yung mga sunod sunod na nagchechemo magkakamukha na sila…nakawig at maiitim ang face at hands… minsan nga nalilito ako kapag pinapakilala kasi nga magkakamukha na…Minsan nga nasabihan akong maghugas ng kamay kasi akala puro grasa ang kamay ko waaahhhhh!!!! Ang itim kasi tapos parang naglalangis pa…para ngang taong grasa ano ba?! Well simula nung gumamit ako nito 1 month ago medyo nabawasan yung mga maiitim kong fingers at face…hopefully the healthy cells are generated.

Compare sa time na bago ako mag pachemo…Now nakakatulog na ako ng maayos, dati kasi im in pain talaga tabingi na nga daw ako kasi yung back ko super sakit at kirot…dinadaan na lang sa dolfenal at masahe…tapos dati konting lakad lang, hingal na…konting salita lang hingal at putol putol na…I’m better now compare nung october..so nararamdaman kong the chemo drugs are working…so let’s hope and pray na nagliitan na yang mga nodules na yan kundi man natunaw na ng lubusan…

So far nga pala ito yung financial status as of January 29:



So thank you po sa inyong lahat! Words are not enough to express how thankful we are...Indeed God make ways, we just have to trust Him, do our best, and leave everything to Him...

We can do this...we will survive!!!

No comments: